Hindi na nakaligtas sa ikalawang pagpapakamatay ang biktimang si Francia Olaguer na natagpuan ng kanyang amang si Marcial na nakabitin sa kisame ng kuwarto bandang alas-10 ng umaga.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang biktima ay pinangakuan ng kanyang utol na susunduin para ihanap ng trabaho sa Maynila pero hindi sumipot ng ilang araw.
Bago pa magbigti ang biktima ay nakakita na ito ng pagkabalisa sa loob ng kanilang bahay at pinalagay na nag-suicide sa pagitan ng alas-4 hanggang alas-5 ng umaga. (Ulat ni Ed Casulla)