Clerk of court, 4 pa tiklo sa drug bust
July 17, 2003 | 12:00am
CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan Lima-katao kabilang na ang clerk of court ang iniulat na inaresto ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Dakila, Malolos, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Chalinejan Villapa ng Barangay Nuzon; Mary Grace Pagtalunan, Lyndahmin Baring, Michelle Caluag ng Barangay San Francisco, Bulacan at Rancy Tangtoco.
Base sa ulat ng pulisya, bago pa madakip ang lima ay nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis kay Tangtoco.
Matapos ang bilihan ay sinundan ng mga awtoridad ang tinatahak ni Tangtoco patungo sa kanyang bahay kaya dito naaktuhan ang apat na nagsasagawa ng shabu session.
Nakumpiska sa loob ng bahay ni Tangtoco ang hindi nabatid na gramo ng shabu, P2,500 at ilang materyales na ginagamit sa shabu session. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest