^

Probinsiya

3 Indons nasabat sa Tawi-tawi

-
ZAMBOANGA CITY – Tatlong Indonesian national na pinaniniwalaang nagsasagawa ng illegal fishing ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard makaraang pumasok sa teritoryo ng bansa sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi malapit sa hangganan ng Malaysia noong Biyernes.

Kasalukuyang nakakulong para sa disposisyon ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) ang mga naarestong mangingisda na sina Jupriada Sanneng, Dempar Edris at Raphy Jainah na walang maipakitang dokumento nang masabat sa naturang karagatan.

Sinabi ni Brig. General Benedicto Corona, hepe ng Marine Forces South (MARFORSOUTH) na namataan ng mga awtoridad ang bangkang may tatak na 23/24 na pumapasok sa teritoryo ng bansa.

Lalo pang pinaigting ang pagpapatrolya sa mga baybaying-dagat ng Zamboanga, Basilan at Jolo para mapigilang tumakas papalabas ng bansa ang grupo ng Abu Sayyaf. (Ulat ni Roel D. Pareño)

ABU SAYYAF

BASILAN

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

DEMPAR EDRIS

GENERAL BENEDICTO CORONA

JUPRIADA SANNENG

MARINE FORCES SOUTH

PHILIPPINE COAST GUARD

RAPHY JAINAH

ROEL D

TATLONG INDONESIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with