Driver tinodas ng pulis sa trapik
July 17, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite May posibilidad na nagkainitan sa trapik ang naging dahilan kaya nabaril at napatay ang isang drayber ng pampasaherong dyip ng pulis sa Barangay San Miguel 2, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Antonio Abundo ng General Mariano Alvarez, samantala, ang suspek ay positibo namang nakita ng ilang saksi na pulis dahil sa naka-uniporme pa nang isagawa ang krimen bandang alas-9:30 ng gabi.
Sa imbestigasyon ni PO3 Cornelio Bugayong, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil sa trapik hanggang sa magbunot ng patalim ang biktima at inundayan ng saksak ang suspek.
Nakailag naman ang suspek bago nagbunot ng kanyang baril at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima.
Kasunod nito, pinagbabaril naman hanggang sa mapatay ang isang fish dealer ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sa harap mismo ng kanyang misis sa Barangay Ipil 2, Silang Cavite kamakalawa ng gabi.
Idineklarang patay sa UMC Hospital ang biktimang si Estelito Mantal, 49, ng Block 80 Lot 10 ng nabanggit na barangay. Agad naman tumakas ang mga suspek sakay ng traysikel matapos isagawa ang krimen bandang alas-10:30 ng gabi. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest