Koronadal bomber naaresto
July 15, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isa sa tatlong nagpasabog sa pamilihang bayan ng Koronadal na pinaniniwalaang miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang dragnet operation.
Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso sa Koronadal Regional Trial Court si Edu Mangudadatu, 23, dating estudyante ng Tandang National High School at residente ng Dungguan, Lutayan, Sultan Kudarat.
Base sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Aguinaldo, inamin ni Mangudadatu na dati siyang kasapi ng MILF at napilitang kumalas dahil sa demoralisasyong umiiral sa hanay ng mga rebelde.
Magugunita na pinasabog ang Koronadal market noong Hulyo 10, 2003 na ikinasawi ng tatlo-katao at ikinasugat naman ng 28 na pinalalagay na MILF ang nasa likod. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended