^

Probinsiya

10 barangay lalagyan ng solar power

-
Aabot sa apat na barangay sa munisipalidad ng Libjo at anim naman sa Basilisa na sakop ng Dinagat Island sa Surigao del Norte ang lalagyan ng solar power na magreresulta para dumaloy ang kuryente sa mga kabahayan.

Ang proyekto ay pormal na inilunsad ni Department of Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan sa pakikipagtulungan ng Solar Power Technology Support (SPOTS).

Bukod sa solar electrification project, maglalagay din ng programang pangkabuhayan ang pamunuan ng DAR katuwang ang mga dayuhang Hapones para asistihan ang Mindanao Sustainable Settlements Area Development (MINS-SAD) sa mga barangay na sakop ng bayan ng San Jose, Dinagat at Tubajon.

Aabot naman sa 2,771 magsasaka ang mabibiyayaan ng infrastructure support services na nagkakahalaga ng P59 milyon.

Kabilang sa mga proyekto ay ang pagtatayo ng eskuwelahan, healthcare facilities, farm-to-market roads, irrigation projects, portable water facilities at pagtatayo ng kooperatiba para sa magsasaka. (Ulat ni Pamela Samia)

AABOT

BASILISA

BUKOD

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM SECRETARY ROBERTO PAGDANGANAN

DINAGAT

DINAGAT ISLAND

MINDANAO SUSTAINABLE SETTLEMENTS AREA DEVELOPMENT

PAMELA SAMIA

SAN JOSE

SOLAR POWER TECHNOLOGY SUPPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with