Kapulisan sa Central Luzon inalerto sa malawakang pananabotahe ng NPA rebs
July 14, 2003 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Inalerto kahapon ni Central Luzon police director chief Superintendent Vidal Querol ang buong puwersa ng kapulisan sa nasasakupang rehiyon kabilang na ang tropa ng militar sa planong paghahasik ng malawakang pananabotahe ng mga rebeldeng New Peoples Army laban sa mga ari-arian ng pamahalaan.
Ang pagkakadiskubre ng masamang balak ng mga rebelde ay matapos na bumagsak sa bitag ng militar ang mag-asawang kasapi ng New Peoples Army (NPA) matapos na salakayin ang kanilang bahay sa Barangay Baloy ng bayang ito kamakalawa ng umaga.
Isinasailalim sa tactical interrogation sina Benigno, Dichoso, 47, alyas Ka Sally, Bernard, Benny, at Puti; asawang si Ofelia Saclamitao Dichoso, alyas Ka Upeng matapos na malambat sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Executive Judge Blas Causapin ng Guimba, Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 32.
Nakumpiska ng mga tauhan ng 71st Infantry Battalion ng Phil. Army at ni P/Sr. Insp. Orlando Domingo mula sa bahay ng mag-asawa ang kalibre .38, mga bala ng baril, handheld radio, jungle knife, pistol holster, at mga subersibong dokumento.
Nasamsam din sa mag-asawa ang plano ng mga rebelde na salakayin ang ilang himpilan ng pulisya at kampo ng militar sa Central Luzon.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na si Benigno ay may mga nakabinbing ibat ibang kaso at responsable sa panununog ng Baliwag Transit bus sa Barangay San Antonio, Cuyapo, Nueva Ecija noong Hulyo 1, 2003.
Inaalam din ng mga awtoridad kung sangkot din ang mag-asawa sa pamamaslang sa alkalde ng Tayug, Pangasinan dahil ang modus operandi ng grupo ni Ka Sally at Upeng ay nasasakupan ng Tayug, Umiray, San Quintin at San Nicolas. (Ulat nina Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended