Empleyadong nakapatay nalunod
July 13, 2003 | 12:00am
STA. ROSA, Nueva Ecija Isang empleyado ng National Irrigation Administration (NIA) na pinaniniwalaang nakapatay sa opisyal ng barangay ang nalunod sa ilog na sakop ng Barangay Mariano sa bayang ito kamakalawa.
Napag-alaman na si Rolando Cruda ay tumakas matapos na saksakin at mapatay si Rodrigo Luciano habang magkasamang nag-iinuman ng alak sa Barangay La Fuente.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, si Cruda ay dumaan sa ilog para iwasan ang mga awtoridad sa ginawa niyang krimen pero nadulas bago kinalawit ni kamatayan makaraang nalunod.
Nadiskubre ang bangkay ni Cruda na lulutang-lutang sa nasabing ilog. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended