Sa 22-pahinang desisyon ng Supreme Court, ang hatol na kamatayan ng Pangasinan Regional Trial Court laban kay Jesus Torio ay pinaboran matapos na mapatunayang pumatay kay Ramon Paulo noong Agosto 12, 1994 sa Barangay Bolaoen, Bugallon, Pangasinan.
Base sa record ng korte, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima ng akusado habang papauwi sakay ng motorsiklo. (Ulat ni Grace dela Cruz)