Babaerong mister initak ni misis

SAN ANTONIO, Quezon – May posibilidad na pagiging babaero ng isang 66-anyos na mister ang naging dahilan para itakin ng sariling misis ang biktima sa Barangay Bagong Niing sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang biktimang si Sofio Abrogo, magsasaka, samantala, sumuko naman agad sa pulisya ang suspek na si Flora Macasinag, 43 matapos isagawa ang krimen bandang alas-6:30 ng gabi sa loob ng kanilang bahay.

Batay sa pagsisiyasat ni SPO1 Enrico Magbanlac, nabalitaan ng suspek na si mister ay may kinalolokohang babae kaya kinompronta nito hanggang sa magkaroon ng komosyon na nauwi sa pananaga sa biktima na inoobserbahan sa Liwag Hospital dahil sa tama ng itak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments