Sa ipinalabas na resolution ng Supreme Court, inatasan ang NBI na tugisin at dakpin si Atty. Jose Bawalan ng Trece Martirez Regional Trial Court Branch 23 sa Cavite matapos na mapatunayan ng Commission on Audit (COA) na hindi nagreremit ng pondo ng korte sa Bureau of Treasury.
Nadiskubre ng COA na kulang ng P12, 785 ang unang remittance ni Bawalan ngunit hindi na nasundan kaya pinatawag ng Supreme Court para magpaliwanag.
Binalewala naman ni Bawalan ang kautusan ng Korte Suprema at sa halip ay nagsumite ng motion for extension kaya pinagmulta ng P500 sa bawat maisumite sa takdang petsa.
Dahil sa hindi pagsunod ni Bawalan sa Supreme Court ay napilitang sibakin siya sa puwesto at walang matatanggap na benepisyo at hindi na maaaring makapasok pa sa alinmang sangay ng pamahalaan. (Ulat ni Grace dela Cruz)