^

Probinsiya

25 estudyante sinapian ng masamang espiritu

-
BAGABAG, Nueva Vizcaya – Aabot sa 25 estudyante ng Tuao National High School na pawang mga kababaihan ang iniulat na sinapian ng masamang espiritu makaraang maglaro ng "spirit of the coin" sa Barangay Tuao ng bayang ito noong nakalipas na linggo.

Dahi sa hindi maipaliwanag na pangyayari sa mga estudyante ay napilitang suspindihin ang lahat ng klase sa nabanggit na eskuwelahan sa takot na masaniban din ang ibang mag-aaral.

Ayon kay Joel Fariñas, 2nd year high school adviser na agad silang nagpatawag ng emergency meeting sa lahat ng guro at mga magulang ng estudyante para alamin ang mga nagaganap na pangyayari sa loob ng nasabing eskuwelahan.

Napag-alaman na ang mga sinapiang estudyante ay nagtataglay ng kakaibang lakas na halos di maawat ng mga kalalakihan, ang iba naman ay nanghahabol at namamalo ng matigas na bagay sa mga kasalubong na estudyante.

Ayon kay Fariñas na ang ibang estudyante ay naglalakad na parang zombies kaya tuloy napilitan silang tumawag ng albularyo.

Sinabi ng albularyo na nabulabog ang mga kaluluwa na nananahimik at kailangan mag-alay ng itim na baboy sa ritwal na gagawin.

Kahapon ay nagsagawa ng ritwal pero nagbabala ang albularyo sa mga guro, samantala, tumanggi namang magbigay ng detalye si Dr. Orlando Vicente sa mga nagaganap na pangyayari sa kanyang eskuwelahan. (Ulat ni Victor Martin)

vuukle comment

AABOT

AYON

BARANGAY TUAO

DAHI

DR. ORLANDO VICENTE

JOEL FARI

NUEVA VIZCAYA

TUAO NATIONAL HIGH SCHOOL

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with