Sinabi kahapon ni Armed Forces Southern Command chief Major General Roy Kyamko na ang grupo ni Abu Sayyaf leader Khadaffi Janjalani, kasama ang aabot sa 70 terorista na sakay ng tatlong bangkang-de-motor ay dumaong sa Barangay Libua noong Sabado.
Ang kumpirmasyon ng militar ay nagmula sa mga residente na ang grupo ni Janjalani ay armado ng malalakas na kalibre ng baril kabilang ang bazooka, 90RR (recoiless rocket), M16 rifles at M203 rifle grenade na nagmula sa Zamboanga Peninsula.
Pinakalat na ang dalawang batalyon ng militar sa ilalim ng 601st Army Brigade na pinamumunuan ni Brig. Gen. Alexander Yano.
Si Janjalani, kasama ang tatlong lider na sina Isnilon Hapilon, Hamsiraji Sali, alyas Commander Jose Ramirez at Jainal Sali, alyas Abu Solaiman ay wanted ng pamahalaang US na may patong na US$ 5 milyon sa sinumang makakadakip. (Ulat nina Roel D. Pareño at Joy Cantos)