13 bayan sa Maguindanao apektado ng baha
July 9, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Tinatayang aabot sa labintatlong bayan sa Maguindanao ang naapektuhan ng tubig-baha na nagresulta rin sa paglikas ng 10,000 residente sa matataas na bahaging lugar.
Sinabi ni Elsie Amil, hepe ng Department of Social Welfare and Development sa Maguindanao, apektado rin ang P40 milyon pananim na palay at gulay kaya agad naman nagpalabas ng P1.8 milyon relief goods para sa mga nagsilikas.
Kabilang sa naapektuhan ng tubig-baha ay ang bayan ng Paglas, Buluan, S.K. Pendatun, Datu Piang, Mamasapano, Talitay, Sultan Kudarat, Shariff Aguak, DOS, Kabuntalan, SSB, Buluan at Paglat. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest