Ang disgrasya ay naganap bandang alas-6 ng gabi habang nagsasanay ng Taekwondo si 4th class cadet John Hendrich Francisco laban kay 3rd class cadet Payumo. Base sa inisyal na ulat, napasama ang bagsak ni Francisco sa semento matapos tamaan ng malakas na sipa sa kaliwang panga.
Nanatiling nasa surgical intensive care unit sa Sacred Heart Hospital ang biktima dahil sa internal hemorrhage. (Ulat ni Joy Cantos)