Tauhan ng gobernador patay sa b-day party
July 8, 2003 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang tauhan ni Cavite Governor Ayong Maliksi makaraang makipagtalo ang biktima sa nakaalitang kasama sa trabaho sa birthday party sa Barangay Biklatan, General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi.
Duguang bumulagta ang biktimang si Pit Peñaflor, 49, ng Barangay Virata, General Mariano Alvarez, Cavite. Samantala, tinutugis naman ang suspek na si Mardy Mayoga, 25, tauhan ng biktima bilang timekeeper at naninirahan sa nabanggit ding barangay.
Nasa kritikal namang kondisyon si Julius Balton, 46, ng Brgy. Malagasang, Imus, Cavite na umawat sa away ng dalawa, makaraang tamaan ng ligaw na bala.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Jojit Ramos, naimbitahan ang biktima sa birthday party ng suspek bandang alas-9:30 ng gabi.
Hindi pa nagtatagal ay sinita ng biktima si Mayoga tungkol sa napapabayaang trabaho na naging sanhi para mapahiya ang suspek kaya naganap ang krimen. (Ulat ni Mario D. Basco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 6 hours ago
By Cristina Timbang | 6 hours ago
By Tony Sandoval | 6 hours ago
Recommended