Mag-utol pinatay dahil sa matinding galit
July 8, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Nagbunga ng kamatayan ang kinikimkim na matinding galit ng isang 50-anyos na lalaki makaraang saksakin nito ang magkapatid sa Barangay Burol, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.
Magkasunod na bumulagta ang mag-utol na sina Edilberto Lorenzo, 26, at Barwin Lorenzo, 21, na kapwa residente ng Block 23 ng nabanggit na barangay.
Samantala, ang suspek na agad namang tumakas matapos isagawa ang krimen ay nakilalang si Jolito Buenaflor Pimentel, 50, may asawa, electrician at naninirahan sa Block 14 Lot 18, Barangay Burol 1 ng nasabing lugar.
Base sa pagsisiyasat ni PO3 Valero Bueno, namataan ng suspek na nagtatalo ang magkapatid malapit sa kanilang bahay.
Agad na nilapitan ng suspek ang mag-utol at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kapwa inundayan ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Napag-alaman ng pulisya na nakaaway ng mag-utol ang kapatid na lalaki ng suspek kaya nagtanim ng galit at pinalalagay na nakatiyempong isagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am