Misis nanalo ng P.5-M sa ICBG
July 6, 2003 | 12:00am
Naging madali para sa isang misis ng dating US Navy na maibulsa ang P.5 milyon makaraang manalo sa Instant Charity Bingo Game (ICBG) noong Hunyo 23, 2003 sa Casino Filipino sa Olongapo City.
Ang jackot winner na itinago sa pangalang Cora, 45, ay regular na manlalaro ng slot mchine sa VIP lounge ng CF-Olongapo City bago nakabili ng ICBG card noong Hunyo 21, 2003.
Ayon sa isang bingo attendant, ibinili rin ng ICBG cards ni Cora ang tatlong kaibigan at wala itong kaalam-alam na hawak niya ang winning card na may "large diamond" pattern.
"Actually, dalawang large diamonds pa lang ang nare-reveal nung ini-scratch ko yung card, kinakabahan na ako. May feeling talaga akong tatama ako," sambit ni Cora matapos kubrahin ang kanyang napanalunan.
Ito ang unang pagkakataon mula noong Hunyo 2001 na may nanalong kalahating milyong piso sa ICBG.
Samantala, nagpaabot naman ng pagbati sa nasabing ginang si Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chairman and CEO Efraim C. Genuino sa pamamagitan ng CF-Olongapo branch manager Danilo Cuneta.
Unang ipinakilala sa publiko ang Instant Charity Bingo noong Hunyo 1999 at ang ilang bahagi ng kinikita mula rito ay ginagamit ng PAGCOR upang suportahan ang ilang nangungunang charitable institution ng bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended