Sa isinumiteng ulat ni ESS Chief for Operations Capt. Marlon Alameda kay Customs Police District Chief Capt. Elpidio "Sonny" Manuel, lulan ng Toyota Town Ace (XBF-114) ang 40-kahon na naglalaman ng mga smuggled computer wires nang masabat dakong alas-4:30 ng hapon habang ito ay ipinupuslit ng isang nagngangalang Ryan Andaluz sa Tipo sentry/exit gate ng naturang freeport.
Ayon kay Manuel, ang mga puslit na kargamento ay nagmula pa sa Thailand at napabilang sa tinatawag na "blackload shipment" nang ito ay ipinasok sa bansa.
Napag-alaman pa sa ulat na iprinisinta ng driver ng ban na si Andaluz ang customs boatnote at wala ring maiprisintang kaukulang dokumento para mailabas ang kontrabando.
Sinabi ni Alameda na ang mga kontrabando ay illegal na inilabas nang walang awtorisasyon sa warehouse ng Sanyo Denki Phils., isang rehistradong locator sa loob ng nabanggit na Freeport.
Kabilang sa nakumpiska ay 25-kahon na naglalaman ng connector wires at 15-kahon naman na naglalaman ng lead wires.
Kaagad na nagpalabas ng warrant of seizure and detention (WSD) si BoC Subic Port collector Atty. Andres Salvacion laban sa nakumpiskang mga smuggled items dahil sa paglabag sa ilalim ng Section 2530 ng Tariff and Customs Code of the Phils. (TCCP). (Ulat ni Jeff Tombado)