Unang naitala ang 16-katao patay habang aabot naman sa 300 ang apektado sa bayan ng Alfonso Castañeda at Dupax del Sur rito, kasunod naman ang panibagong kaso ng malaria sa lalawigan ng Quirino kung saan umabot na rin sa 7-katao ang iniulat na nasawi dulot ng epidemya.
Unang nagpadala ang regional at provincial health offices ng isang team ng mga doktor, sanitary inspectors at medical technologists sa lugar kung saan naitala ang pinakamaraming kaso ng mga nasawi at naapektuhan.
Ngunit noong Huwebes, Hulyo 3 ay nagpadala pa ng karagdagang manggagamot at iba pang medical personnel sa 6 na barangay ng mga Bugkalot dahil sa dami ng mga naapektuhang residente.
Agad namang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang rekomendasyon ni Gov. Rodolfo Agbayani na ideklara ang state of calamity, kasabay ng pagpapalabas ng P139,000.
Ayon kay Dr. Antonio Parong, team leader ng Dept. of Health, malaking halaga pa ang kakailanganin dahil sa paubos na ang gamot sa anti-malaria. (Ulat ni Victor P. Martin)