Pulis todas sa duwelo
July 6, 2003 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan Dalawang putok ng baril ang umalingawngaw saka patay na bumulagta ang isang pulis, samantala, nasa malubhang kondisyon naman ang hepe ng Balanga City Marshall makaraang magbarilan sa harap ng panaderya na sakop ng Barangay San Jose ng lungsod na ito kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang biktimang si Senior Police Officer 3 Mario Casipi, nakatalaga sa 303rd Bataan PNP Mobile Group, samantala, inoobserbahan naman sa Isaac Catalina Memorial Center si Joey Rivero nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa katawan.
Base sa nakalap na impormasyon mula sa ilang saksi, bandang alas-2 ng madaling-araw nang bumili ng pandesal si Casipi at habang naghihintay ay namataan ng biktima ang anim na miyembro ng Balanga City Marshall na pawang nakaitim ang suot na damit at kumakain.
Ayon pa sa pulisya, sinita ni Casipi ang grupo kaya tumayo at lumapit sa kanya si Rivero hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo.
Dito na nagpambuno ang dalawa hanggang sa magbarilan at makaraang mahawi ang usok ay kapwa duguang bumulagta kaya agad namang isinugod ng limang kasapi ng Balanga City Marshall sa ospital pero idineklarang patay si Casipi dahil sa dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib.
Inaalam ng pulisya kung may matagal na alitan ang namagitan sa dalawa maliban pa sa ginawang paninita ng biktima sa nasabing grupo.(Ulat ni Jonie L. Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest