^

Probinsiya

Koreano nag-suicide

-
SAN MIGUEL, Bulacan – Isang South Korean national na hinihinalang nag-suicide ang natagpuang patay sa inuupahan nitong apartment na may tama ng bala sa ulo kamakalawa.

Ang biktima ay nakilalang si Sang Lee, 31, binata, seaman at 5 araw pa lamang nangungupahan sa apartment ni Ricardo Garcia sa Barangay Buliran ng bayang ito.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may isang tama ng bala sa ulo na naglagos sa noo nito ang biktima mula sa isang kalibre 45 baril.

Ayon sa mga residente, nitong Huwebes ng hapon ay nakarinig sila ng putok ng baril mula sa nasabing apartment hanggang sa makitang patay na ang dayuhan sa likod bahay nito.

Inaalam pa ng pulisya kung nagpatiwakal o pinatay ang nasabing Koreano. (Ulat ni James Mananghaya)

AYON

BARANGAY BULIRAN

BULACAN

HUWEBES

INAALAM

ISANG SOUTH KOREAN

JAMES MANANGHAYA

KOREANO

RICARDO GARCIA

SANG LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with