^

Probinsiya

Kano patay sa banggaan

-
BAMBANG, Nueva Vizcaya – Isang American national ang nasawi habang 3 iba pa ang nasugatan matapos magsalpukan ang sinasakyan nitong van sa sasakyan ng isang opisyal ng PNP kamakalawa ng madaling-araw sa bayang ito.

Ang nasawi ay nakilalang si Diane Parsons ng US-sponsored Summer Institute Linguistic (SIL) na nakabase sa bayan ng Bagabag sa lalawigang ito.

Himalang nakaligtas naman sa "head-on collision" ang mister at driver ng Mitsubishi van na si Garry Parsons habang nasugatan din si Arnel Sagun, ang nagmamaneho ng Nissan Safari at si Sr. Supt. Samson Tucay.

Ayon kay Chief Inspector Dionisio de Guzman, Bambang police chief, bandang alas-2:30 ng madaling-araw habang binabagtas ng Mitsubishi van, na may diplomatic plate no. 16186, ang national highway sa Barangay Almaguer ng bigla itong salpukin ng rumaragasang Nissan Safari na pag-aari ni Supt. Tucay.

Napag-alaman ng pulisya na nag-over take ang Nissan Safari na minamaneho ni Sagun sa isang pampasaherong bus hanggang sa salpukin nito ang nakasalubong na van.

Isinugod ang mga biktima sa Veterans regional hospital subalit nasawi si Mrs. Parsons dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan bunga ng malakas na bangga habang ginagamot naman ang iba pang biktima na himalang nabuhay sa nasabing salpukan ng mga sasakyan. (Ulat nina Victor Martin/Joy Cantos)

vuukle comment

ARNEL SAGUN

BARANGAY ALMAGUER

CHIEF INSPECTOR DIONISIO

DIANE PARSONS

GARRY PARSONS

ISANG AMERICAN

JOY CANTOS

MITSUBISHI

MRS. PARSONS

NISSAN SAFARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with