Vigilante vs druglords binuo
July 5, 2003 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Isang grupo ng vigilante ang binuo sa lalawigang ito upang sugpuin ang mga nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot kabilang ang mga bigtime drug traffickers upang tuluyang-matuldukan ang pagkalat ng shabu.
Ito ang ipinihayag ng isang hindi nagpakilalang lalaki matapos magsalita sa programang Tinig ng Bayan ni Sherwin Asis sa PBN-DZMD kahapon ng umaga.
Binigyang-diin ng vigilante member sa nasabing radio program na kamatayan ang dapat maging hatol sa mga drug pushers at drug traffickers.
Sinabi pa ng vigilante group na "bilang na ang mga araw ng drug pushers at bigtime druglords sa kanilang lalawigan at isang araw ay bubulagta na lamang ang mga ito".
Tahasang ipinahayag pa ng vigilante group na kahit ang mga pulis na "patong" o nagbibigay ng proteksyon sa mga drug lords na ito sa nasabing lalawigan ay itutumba nila.
Naunang pinagsabihan ng hindi nakilalang trcicyle driver ang reporter ng DZMD na si Ricky Pera na may binuo na silang vigilante group laban sa mga drug lords at nais nilang ipabatid ito sa publiko sa pamamagitan ng radyo hanggang sa pagbigyan naman ito sa ere ng nasabing istasyon.(Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest