^

Probinsiya

3 pulis tiklo sa kidnapping

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Nahaharap ngayon sa kasong kidnaping ang apat-katao kabilang ang dalawang pulis makaraang dukutin ang isang traysikel drayber sa kahabaan ng Alfonso-Tagaytay Road, Cavite.

Ang apat na suspek kabilang na ang dalawang pulis ay kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang sina P/Insp. Jorge Villarta Ilano, PO1Noel Villaloboz na kapwa nakatalaga sa Camp Crame; Mario Abu, ng ARESCOM sa Tanza, Cavite at Samsudin Sarip Sr.

Base sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Supt. Roberto Rosales, nadakip ang apat makaraang magreklamo sa himpilan ng pulisya ang asawa ng biktimang si Mario Hernandez.

Dahil sa hindi kayang ibigay ng pamilya ang ransom na P20,000 ay nakipag-ugnayan ito sa mga awtoridad kaya agad namang nadakip sa isang kainan sa Tagaytay City ang mga suspek. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

ALFONSO-TAGAYTAY ROAD

CAMP CRAME

CAVITE

CRISTINA G

JORGE VILLARTA ILANO

MARIO ABU

MARIO HERNANDEZ

ROBERTO ROSALES

SAMSUDIN SARIP SR.

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with