^

Probinsiya

Police chief sinibak dahil sa droga

-
CAMP AGUINALDO – Sinibak kahapon sa puwesto bilang hepe ng pulisya ng Hagonoy, Bulacan si P/Supt. Jose Carreon matapos na idawit sa maanomalyang kaso ng droga sa kanyang nasasakupan.

Sinabi ni P/Chief Supt. Vidal Querol, PNP regional director sa Central Luzon, ang pagkakasibak kay Carreon ay matapos na payagan nitong maging proxy ang mister laban sa naarestong suspek na drug trafficker na si Norma Puno-Santiago noong Hunyo 26, 2003.

Naantala naman ang pagsasampa ng kaso laban kay Norma dahil na rin sa pakiusap ni Barangay Chairman Antonio Bengco ng Barangay Sto. Niño kay Carreon na ang ipalit sa kulungan ay si Enrigue na mister ng suspek.

Ang pagpayag ni Carreon ay naging sanhi ng kanyang pagkakasibak sa puwesto at si Bengco naman ay sasampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY CHAIRMAN ANTONIO BENGCO

BARANGAY STO

BENGCO

CARREON

CENTRAL LUZON

CHIEF SUPT

JOSE CARREON

JOY CANTOS

NORMA PUNO-SANTIAGO

VIDAL QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with