'Sabaya buhay pa' - Fr. Nacorda
July 3, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Umalingawngaw ang balitang buhay na buhay ang notoryus na tagapagsalita ng Abu Sayyaf na si Aldam Tilao alyas Abu Sabaya at aktibong nagre-recruit ng mga residente para sumapi sa grupong terorista sa bayan ng Siocon, Sirawai at Balingulan sa Zamboanga del Norte.
Ito ang ibinulgar kahapon ni Lamitan Parish Priest Father Cirilo Nacorda sa radio interview matapos ang matagal na pananahimik simula nang mapaulat na nasawi si Sabaya sa engkuwentro.
Sinabi ni Fr. Nacorda na ipinarating sa kanya ng kontak na liason officer ng Sayyaf na buhay pa si Sabaya kasama ang 40 armadong kalalakihan na pinaniniwalaang na-recruit sa mga nasabing bayan.
Gumagamit ng pangalang Abu Muslim si Sabaya para lansihin ang tumutugis na puwersa ng militar.
Idinagdag pa ni Fr. Nacorda na hindi kasama si Sabaya sa mga napaslang ng mga elemento ng Phil. Navy-Special Warfare Group sa baybayin ng Sibuco, Zamboanga del Norte noong Hunyo 21, 2002.
Natunugan ni Sabaya ang operasyong inilatag ng militar kaya hindi ito lumulan ng bangkang-de-motor at bagaman nanahimik ay aktibo naman sa recruitment ng mga bagong kasapi ng teroristang grupo, dagdag pa ni Fr. Nacorda.
Kasunod nito, muling nanindigan ang Malacañang na patay na si Abu Sabaya dahil narekober ng mga awtoridad ang kanyang salamin at bag sa karagatan pero ang bangkay ay pinaniniwalaang kinain ng naglipanang pating.
Bilang reaksyon sa ibinulgar ni Fr. Nacorda, sinabi ni Lt. Col. Daniel Lucero, AFP-PIO chief na haka-haka lang at tsismis na walang basehan na buhay pa si Sabaya.
Ayon kay Lucero na hindi makakabuti sa kampanya laban sa terorismo ang binitiwang pahayag ni Fr. Nacorda.(Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended