Konsehal dinedo sa piyestahan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Binaril ng shotgun at namatay ang isang konsehal ng senglot na mangingisda habang ang biktima ay nakikipag-inuman ng alak sa mga kaibigan sa kapistahan ng Barangay Calanay, Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi.

Duguang bumulagta ang biktimang si Jose Cristoles, 50, may asawa, konsehal sa munisipalidad ng Pio Duran at residente ng Barangay 3, Pio Duran, Albay.

Tinutugis ng pulisya ang suspek na si Regalado "Dodong" Drio matapos isagawa ang krimen bandang alas-8 ng gabi.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ng pulisya na dumayo lamang ang biktima sa kapistahan at nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa nabanggit na barangay.

Hindi naman akalain ng biktima na huling tagay na niya ito ng alak. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments