Ang tatlong bumulagtang patay ay nakilalang sina Lazaro Malabanan, alyas Saro, Gelacio Simbahan at Severino Malabanan, alyas Binong.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na si Lazaro ay pangatlong most wanted sa Batangas, samantala, si Gelacio na kapatid ng lider ng nasabing gang na si Benito Simbahan ay ika-5 sa listahan ng pulisya na most wanted.
Nabatid na sina Malabanan at Simbahan ay kapwa may warrant of arrest na inisyu ni Judge Voltaire ng Tanauan Regional Trial Court Branch 83 sa kasong murder.
Sa nakalap na ulat mula kay P/Sr. Supt, Rodolfo Magtibay, naganap ang shootout bandang alas-4:30 ng hapon makaraang mamataan ng pulisya ang tatlo sa nasabing barangay.
Agad namang nakipagbarilan ang tatlo laban sa tumutugis na pulisya matapos matunugang sinusundan sila ng mga awtoridad na naging sanhi ng kanilang kamatayan.
Magugunitang si Benito Simbahan kasama ang walong miyembro ay nalambat ng pulisya sa kanyang bahay sa Windward Hills Subdivision, Dasmariñas, Cavite noong Hunyo 24 ng gabi. (Ulat ni Ed Amoroso at Joy Cantos)