Kinilala ang mga biktimang napuruhan ng kidlat na sina Editho Balaba, Sr., 38; anak na si Editho Jr.; Salvador Gunday, 55; Sarina Gunday, 50, may asawa; at Amado Hortillano, 40, na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Base sa naantalang ulat na isinumite kay Provincial Welfare and Development Officer Bella Lechonsito, ang mga biktima, maliban kay Hortillano, ay nag-aayos ng kanilang mga pinatuyong tabako sa loob ng isang bodega nang tamaan ng kidlat.
Ayon pa kay Lechonsito, malubha ang tinamong sugat mula sa kidlat ng mga biktima at naisugod pa sa ospital pero idineklarang patay.
Napag-alaman na si Hortillano ay maghapong nag-aararo ng sakahang lupain at nakisilong lamang sa bodega matapos na bumuhos ang ulan bandang alas-4 ng hapon noong Lunes, Hunyo 30, 2003.(Ulat ni Boyet Jubelag)