^

Probinsiya

3 pulis dinismis, 2 na-demote, 5 pa suspendido

-
Tatlong pulis ang nadismis sa serbisyo, dalawa naman ang na-demote habang lima pa ang suspendido dahilan sa kasong ‘grave misconduct’ at kapabayaan sa tungkulin kaugnay ng pinaigting na kampanya laban sa mga scalawags na mga opisyal at tauhan ng pulisya sa Police Regional Office (PRO) ng MMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) sa ikalawang bahagi ng taong ito.

Sa isinumiteng ulat kahapon sa Camp Crame ni P/Sr. Supt. Alejandro Lapinid, acting regional director ng PRO-MMAROPA, kinilala ang mga dinismis sa serbisyo na sina PO2 Armando Macaraeg ng Regional Headquarters Security Group (RHSG), PRO MMAROPA; PO2 Fernando Hernandez ng Palawan Provincial Police Office (PPO) at PO1 Alexander Carillo ng Regional Mobile Group (RMG).

Ang mga na-demote naman sa mababang ranggo ay sina SPO2 Perfecto Menes, ng Romblon PPO at SPO2 Neowille Mayangitan, ng Marinduque PPO.

Sinuspinde naman ng 60 araw na walang tatanggaping suweldo sina SPO4 Gaudencio Medina, ng Oriental Mindoro PPO; SPO3 Bonifacio Aqui, ng Palawan PPO at PO1 Godwyn Solis ng RHSG, PRO MMAROPA.

Kabilang pa sa mga suspendido naman ng 45-araw ay sina PO3 Renato de Chavez at PO1 Gilbert Gano, pawang ng Romblon PPO; PO3 Arthur Fernandez, ng Palawan PPO na nasuspinde naman ng 30 araw at PO1 Angel Fernandez, ng Oriental Mindoro PPO na pinatawan naman ng 15 araw na suspensyon.

Sinabi ni Lapinid na ang mga sinuspinde ay babalik sa serbisyo matapos ang suspension period. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALEJANDRO LAPINID

ALEXANDER CARILLO

ANGEL FERNANDEZ

ARMANDO MACARAEG

ARTHUR FERNANDEZ

BONIFACIO AQUI

ORIENTAL MINDORO

PALAWAN

PPO

ROMBLON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with