^

Probinsiya

Estudyante pinatay ng adik sa sementeryo

-
PLARIDEL, Bulacan – Talagang malala na ang problema sa droga sa bansa dahil maging ang isang 12-anyos na estudyanteng babae ay napagtripang saksakin ng screwdriver ng adik matapos na dalhin sa sementaryo na sakop ng Barangay Poblacion sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang hindi na nakauwi pa ng kanilang bahay ay nakilalang si Yveth Pontanilla, 1st year high school sa eksklusibong eskuwelahan at residente ng Golden Ville Subdivision, Barangay Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan.

Samantala, ang suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ay tinutugis ng pulisya sa hindi binanggit na lugar.

Sa ulat na isinumite kay Police Superintendent George Torcuator, police chief ng bayang ito, huling nakitang buhay ang biktima pasado alas-5 ng hapon matapos na lumabas ng eskuwelahan.

Ilan sa nakakita sa biktima na naghihintay ng traysikel kasama ang isang kaklaseng babae sa harap mismo ng kanilang eskuwelahan hanggang sa lumipas ang labing-anim na oras na paghahanap ng mga magulang.

Nadiskubre ang bangkay bandang alas-9 ng umaga sa loob ng sementeryo may 600 metro lamang ang layo mula sa pinapasukang eskuwelahan ng biktima.

May teorya ang pulisya na nanlaban ang biktima dahil sa tangkang gawan ng maitim na balak kaya sinaksak ng screwdriver sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago iniwan.

Isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima kung positibong hinalay bago pinatay. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BARANGAY STA

BULACAN

EFREN ALCANTARA

GOLDEN VILLE SUBDIVISION

GUIGUINTO

ILAN

ISINAILALIM

POLICE SUPERINTENDENT GEORGE TORCUATOR

YVETH PONTANILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with