Pusher na ama tinodas ng anak
June 29, 2003 | 12:00am
SAN ANTONIO, Quezon Isang ama ng tahanan na pinaghihinalaang tulak ng shabu ang binaril at napatay ng mismong anak nitong babae kamakalawa ng gabi sa bayang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Fernando Perez, 51, ng Brgy. San Jose habang pinaghahanap naman ang suspek na anak nitong si Josefina.
Ayon sa ulat, bandang alas-11:00 kamakalawa ng gabi habang nanonood mag-isa ang biktima ng telebisyon sa kanilang bahay nang dumating ang suspek saka kinompronta ang kanyang ama dahil sa pagtutulak nito ng droga sa kanilang lugar.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama hanggang sa pumasok ng kanyang kuwarto si Josefina at paglabas nito ay may hawak na kalibre 45 baril.
Patalikod na binaril ni Josefina ang kanyang ama at matapos duguang bumulagta ito ay mabilis naman siyang tumakas.
Nabatid ng pulisya na ilang araw bago maganap ang krimen ay laging nagtatalo ang mag-ama dahil iginigiit ng anak sa ama na tigilan na nito ang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot kundi ay siya ang gagawa ng hakbang.
Kinasuhan ng parricide ang tumakas na suspek habang pinaghahanap ito ng mga awtoridad. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest