^

Probinsiya

Tisay, hinalay/pinatay bago itinapon sa ilog

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Isang mestiza na pinaniniwalaang ginahasa saka pinatay ang natagpuang bangkay sa ilog kahapon ng umaga sa Naic.

Ang hindi nakilalang biktima na tinatayang nasa edad 30-35, maputi, may taas na 5’3, blondie ang buhok, ay natagpuang bangkay sa ilalim ng Walong Butas bridge sa barangay Calubcob, Naic.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:40 ng umaga nang matagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima sa ilog na may tama ng bala sa ulo.

Malaki ang hinala ng mga awtoridad na ginahasa ng hindi nakilalang mga suspek ang biktima bago ito binaril sa ulo at itinapon sa ilog.

Sinabi pa ng pulisya na posibleng ginahasa at pinatay ang biktima sa ibang lugar at itinapon lamang sa nasabing ilog upang iligaw ang mga awtoridad sa isasagawang imbestigasyon.

May paniniwala rin ang mga awtoridad na pinilahan ang biktima ng hindi nakilalang mga suspek bago ito binaril sa ulo.

Ang tanging puwedeng pagkakilanlan sa biktima ay mayroon itong maliit na hikaw ng Santo Niño sa kanyang pusod. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

CALUBCOB

CAVITE

CRISTINA G

ISANG

MALAKI

NAIC

SANTO NI

WALONG BUTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with