^

Probinsiya

5 obrero pinatay

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Limang obrero ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang mga biktima ay namumutol ng damo sa bakanteng loteng sakop ng Barangay Olaes F. De Castro, General Mariano Alvarez, Cavite kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Danilo Segarino, Isko Reyes, Sandy Laguna, Ernesto Garcia, at Juanito Along na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Samantala, si Loreto Sedrino na isa sa kasamahan ng mga biktima ay nakaligtas at nasaksihan ang malagim na pangyayari.

Base sa ulat ng pulisya na isinumite kay P/Chief Insp. Randolf Tuano, police chief sa naturang bayan, ang limang biktima ay inupahan ng may-ari ng lupain upang mamutol ng damo sa naturang lugar.

Sa unang araw na gawain ng mga biktima ay lumapit ang isa sa mga suspek at pinagbawalan ang lima na tumigil sa pamumutol ng damo pero binalewala nila ito.

Hanggang sa dumating ang oras na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok hanggang sa duguang bumulagta ang mga biktima. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BARANGAY OLAES F

CAVITE

CHIEF INSP

CRISTINA G

DANILO SEGARINO

DE CASTRO

ERNESTO GARCIA

GENERAL MARIANO ALVAREZ

ISKO REYES

JUANITO ALONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with