^

Probinsiya

Gawing tambakan ng basura ang Gapan, tinutulan

-
GAPAN CITY, Nueva Ecija – Mariing tinutulan ng mga residente sa pangunguna ni Gapan City Mayor Ernesto Natividad ang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na gawing tambakan ng basura ang 570 ektaryang lupaing sakop ng Barangay Macabaklay ng lungsod na ito.

Ito ang tahasang sinabi ni Mayor Natividad makaraang umugong ang balitang may pahintulot na ang governador ng naturang lalawigan sa plano ng MMDA at bubuhayin uli ang industriya ng tren para mapadali ang inaangkat na negosyo sa merkado at paghahakot ng basura.

"The people of Gapan City will untimely decide if we will accept the offer", dagdag pa ni Mayor Natividad.

Magugunita na tinanggihan na rin ng mga residente at lokal na opisyal ng pamahalaang Quezon at Pampanga ang alok ng mga opisyal ng MMDA na gawing tambakan ng basura ang kanilang lugar. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BARANGAY MACABAKLAY

CHRISTIAN RYAN STA

GAPAN CITY

GAPAN CITY MAYOR ERNESTO NATIVIDAD

MAGUGUNITA

MARIING

MAYOR NATIVIDAD

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with