Isa sa mga kidnaper ay nakilalang si Arnel Duran, samantala, bineberipika pa ang kasamahan nito na pawang nabistay ng bala ng baril dahil sa pakikipagbarilan bandang ala-1:40 ng madaling-araw.
Base sa ulat, dinukot ng mga suspek si Franklin Ongsitco noong Hunyo 23, 2003 sa sariling bahay sa Barangay Dalig, Antipolo City.
Humingi ng P5 hanggang P20 milyon ransom ang mga kidnaper sa pamilya ni Ongsitco pero naibaba sa P150,000 para makalaya ang biktima.
Naisagawa naman ang bayaran sa Teresa, Rizal noong Martes ng umaga pero lingid sa mga kidnaper ay minamatyagan na sila ng mga awtoridad at kumukuha lamang ng tiyempo.
Sa isinagawang follow-up operation ay naispatan naman ang owner-type jeep (DKN-395) ng mga kidnaper kaya nagkaroon ng habulan.
Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa ang mga suspek laban sa mga tumutugis na operatiba hanggang sa bumulagta ang dalawa.
Narekober sa mga suspek ang natitirang P115,000, dalawang baril at cellular phone. (Ulat nina Joy Cantos at Edwin Balasa)