Nanigaw ng pulis tinodas
June 25, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Naging mitsa ng buhay ang ginawang paninigaw ng isang 31-anyos na lalaki sa bagitong pulis matapos na mapikon ang huli at pagbabarilin ang biktima sa kahabaan ng Jacinto Extension, Davao City kamakalawa.
Dead on the spot ang biktimang si Allan Angon, may-asawa at residente ng 19-20 St. Purok 12 ng nabanggit na lungsod.
Boluntaryo namang sumuko ang suspek na si PO1 Joseph Cedeño nakatalaga sa Regional Mobile Group (RMG) ng Police Regional Office (PRO) 11 na nakabase sa Catitipan, Davao City matapos mahimasmasan.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang insidente ay naganap sa 17th St., Brgy. 31-D, Jacinto Extension bandang alas-8:40 ng gabi.
Nabatid na kasalukuyang naglalakad sa nasabing lugar si PO1 Cedeño nang bigla na lamang sitsitan at pagsisigawan ng biktima.
Dahil dito ay nagalit si Cedeño at agad na hinabol ang biktima na nagtatakbo sa isang masikip na iskinita.
Nang abutan ng nasabing pulis ang biktima ay agad nitong binunot ang kanyang baril at pinaputukan ng dalawang beses na tinamaan sa likod. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended