^

Probinsiya

Mag-asawang NPA sumuko

-
GAPAN CITY, Nueva Ecija – Pinaniniwalaang kahirapang mamuhay sa kabundukan ang nagtulak sa mag-asawang rebeldeng New People’s Army ang magbalik-loob sa pamahalaan kahapon.

Ang mag-asawang NPA na sina Ka PJ, 30 at KA Agnes, 26, ay nagsisuko kina Gapan City Mayor Ernesto Natividad, P/Sr. Supt. Luisito Palmera, provincial director at P/Supt. Benjamin dela Cruz, police chief sa lungsod na ito matapos ang matiyagang pakikipagnegosasyon.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na si Ka PJ ay isang commander ng Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) na nakabase sa Aurora, Baler.

Inamin ni Ka PJ na napilitan siyang sumapi sa makakaliwang kilusan makaraang akusahan ng militar ang kanyang amang si Apolinario na sumusuporta sa mga rebelde bago ikulong.

Tumanggi naman si Mayor Natividad na ibunyag ang tunay na pangalan ng mag-asawang NPA na sumuko dahil sa pangambang likidahin ng mga dating kabaro. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

AGNES

APOLINARIO

CHRISTIAN RYAN STA

GAPAN CITY MAYOR ERNESTO NATIVIDAD

LUISITO PALMERA

MAYOR NATIVIDAD

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

SANDATAHANG YUNIT PROPAGANDA

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with