Informer itinumba ng NPA
June 23, 2003 | 12:00am
RAGAY, Camarines Sur Tinambangan at napatay ang isang 29-anyos na lalaki ng mga rebeldeng New Peoples Army makaraang mapagkamalang nagbibigay ng impormasyon sa militar at pulisya sa mga ikinikilos ng makakaliwang kilusan sa Sitio Recta, Barangay Godofredo Reyes Sr., sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Si Elioterio Morom Jr. ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng apat na rebelde habang naglalakad papauwi sa naturang lugar.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na binalaan ng mga rebelde ang biktima sa kahina-hinalang ikinikilos nito sa pagbibigay ng impormasyon sa tropa ng pamahalaan pero binalewala nito ang banta.
Hindi na nagdalawang isip pa ang mga rebelde at itinumba ang biktima saka palakad na tumakas na animoy walang nangyari. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended