Sa 11-pahinang desisyon ng Korte Suprema, inabsuwelto sa kasong droga si Tony Pedronan na hinatulan ng Baguio City Regional Trial Court na nasakote ng mga elemento ng Criminal Investigation Division Group noong Oktubre 21, 1992 sa bahay Kawayan, Abanao ng nasabing lungsod.
Base sa record ng korte, si Pedronan ay nakumpiskahan ng 4.026 kilong marijuana sa isinagawang buy-bust operation pero nang isumite ang mga ebidensya sa nasabing korte ay nagkaroon ng teknikalidad sa pamamagitan nang pagpapalit ng kinalalagyan ng droga at magkakaibang testimonya ng mga awtoridad kaya ibinasura ng Korte Suprema ang kaso.
Inatasan ng Supreme Court ang pamunuan ng New Bilibid Prisons (NBP) na palayain ang akusado sa loob ng limang araw. (Ulat ni Grace dela Cruz)