Ang tatlong Sayyaf na positibong kinilala ng military spotter ay sina Jundan Jawad, 30, Binnayan Abraham, 19 at Ingkas Abbis, 50 na pawang mga tauhan ni Abu Sayyaf leader Galib Andang, alyas Commander Robot.
Base sa ulat na isinumite kay Brig. Gen. Alexander Aleo, Sulu military commander, ang tatlong Sayyaf ay naispatan sa liblib na bahagi ng Barangay Lappah, Maimbung.
Sa ulat ng militar, ang grupo ni Commander Robot na may kaugnayan sa Al-Qaeda terror network ni Osama bin Laden na nanguna sa pagsalakay sa Sipadan bago nang-hostage ng 21 turista na karamihan ay mula sa bansang Europa at Malaysia kabilang na ang dalawang Pinoy na tauhan ng nasabing beach resort bago dinala sa Sulu.
Makaraan ang limang buwang pagkakabihag ng mga turista ay pinalaya rin matapos na magbayad ng ransom.
Si Roland Ullah, isa sa mga hostage mula sa Sipadan ay nakatakas noong Hunyo 4, 2003 matapos ang tatlong taong pagkakabihag ng Sayyaf. (Ulat ni Roel D. Pareño)