3 holdaper patay sa engkuwentro
June 21, 2003 | 12:00am
PULILAN, Bulacan Tatlong kalalakihan na pawang mga holdaper at hijacker ang kumpirmadong nasawi makaraang makipagbarilan sa pulisya sa Barangay Cutcot sa bayang ito kahapon.
Matapos mahawi ang makapal na usok ay sabay-sabay na bumulagta ang tatlong suspek na sina Silvestre Padilla ng Taguig City; Vicencio Picardo at Arnold Mabera na napatay habang nakaupo sa minanehong 20 footer container van (CWA-812) na naglalaman ng toneladang isdang tuna na nagkakahalaga ng P.9 milyon na kanilang hinaydjak.
Base sa inisyal na ulat ng pulisya, si Picardo na sakay ng kotseng Mitsubishi Lancer (UBR-392) ay tinamaan sa katawan ngunit nakatakbo pa bago nakipagbarilan sa tumutugis na pulisya sa pinagkutaang apartment sa naturang barangay kaya napatay din.
Bago naganap ang shootout, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni P/Senior Supt. Felizardo Serapio, Bulacan police director at P/Chief Insp. Marcelino Marcial tungkol sa hinaydjak na container van.
Kaya nagtayo ng checkpoint sa mga lugar na posibleng daanan ng mga suspek at sa naturang lugar ay namataan ang itinimbreng container van kaya naganap ang shootout bandang ala-1:50 ng tanghali.
Narekober ang 2 baril, 2 patalim, granada at plaka ng sasakyan (TRJ-633). (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended