^

Probinsiya

Pagawaan ng mga pekeng VCD sinalakay

-
BAGUIO CITY – Sinalakay ng pulisya ang pagawaan ng mga pekeng video compact disc (VCD) na nagresulta sa pagkakakumpiska ng dalawang makina at 2,291 iba’t ibang uri ng piratang VCD sa Sandico Street sa lungsod na ito kamakalawa.

Inaresto sina Haji Yazim Mambuay, 38, ng Marawi City at Usman Pangandaman Gandarosa, 59, ng Lanao del Norte, pero pinalaya ng pulisya pansamantala makaraang mangako na babalik para sagutin ang isasampang kaso laban sa kanila.

Ayon sa pulisya, bukod sa nadiskubreng dalawang makina ng VCD at CD ay kinumpiska rin ng pulisya ang 400 blangkong VCD, 1050 kahon ng VCD, 710 VCD na naglalaman ng iba’t ibang pelikula.

Sinabi ni P/Supt. Ernesto Gaab na maaring makagawa ng 400 pekeng VCD ang dalawang makina kapag tuluy-tuloy ang operasyon sa magdamag at pinaniniwalaang ipinakakalat sa Northern Luzon. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

vuukle comment

ARTEMIO A

AYON

DUMLAO

ERNESTO GAAB

HAJI YAZIM MAMBUAY

INARESTO

MARAWI CITY

NORTHERN LUZON

SANDICO STREET

USMAN PANGANDAMAN GANDAROSA

VCD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with