Kinilala ang nasawing sundalo na si Armys Pfc. Ronald S. Teron, samantala, ang nasa kritikal na kondisyon naman ay sina Sgt. Danilo Santos, Sgt. Porfirio Saban at Pfc. Arthur Habon Copasan na pawang miyembro ng 24th Infantry Battalion ng Phil. Army.
Sa naantalang ulat mula sa military detachment ng Phil. Army na nakabase sa Sitio Macarang, Barangay Adlao, San Marcelino, bandang alas-4 ng hapon nang tambangan ng mga rebeldeng tropa ng militar sa nasabing barangay.
Tumagal ng may isang oras ang putukan makaraang gumanti ang mga kawal ng Phil. Army pero napuruhan agad si Teron sa unang bugso ng putok at ikinasugat naman ng malubha ng tatlong kawal bago nagsiatras ang mga rebelde.
Base sa ulat ni Major General Romeo Dominguez, Northern Luzon Command chief, siyam na rebeldeng NPA ang bumulagta sa naganap na pananambang sa mga sundalo ng 24th Infantry Battalion at kasalukuyang bineberipika ang mga pangalan. (Ulat ni Jeff Tombado)