Binawian ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital si Briccio Ativo, biyudo, retiradong guro at residente ng Barangay Pinaric sa nasabing lungsod.
Agad naman nadakip ang driver ng trak (TJK-796) na si Alex Bolales, 26, binata ng Barangay Kiwalo, Daraga, Albay.
Samantala, natagpuan naman ang bangkay ng isang 22-anyos na security guard sa loob ng barrack na binaril sa mukha ng hindi kilalang lalaki kamakalawa ng hapon sa Barangay Mataas na Lupa, Indang, Cavite.
Ang biktimang wasak ang mukha ay nakilalang si Ricky Toledo ng Ross Avenue, Pilar, Las Piñas City.
Nawawala rin ang shotgun ng biktima na ginagamit sa pagbabantay sa Asama Homes Subdivision sa naturang lugar. (Ulat nina Ed Casulla at Cristina G. Timbang)