^

Probinsiya

Landslide: 3 patay, 2 grabe

-
CAMP CRAME –Tatlong miyembro ng pamilya ang iniulat na nalibing ng buhay habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang matabunan ng gumuhong lupa ang bahay ng mga biktima sa Sitio Macalapi, Barangay Libas, Leyte, Leyte kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Evelyn Navelgas, 50, anak na si Deocelyn, 10 at apong si Dionesio Ganzaga, tatlong taong gulang.

Samantala, ginagamot naman sa ospital sina Dominador Navelgas, 60 at isa pang apo na si Occiber na nagtamo ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alaman sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang landslide bandang alas-2 ng madaling-araw dahil sa patuloy na bumubuhos ang ulan.

Dahil sa mahimbing na natutulog ang mga nasawing biktima kaya hindi namalayang gumuho ang lupang nasa itaas ng bundok pero nakuhang makalabas ng bahay ni Dominador bitbit ang kanyang apo na si Occiber. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY LIBAS

CAMP CRAME

DAHIL

DIONESIO GANZAGA

DOMINADOR NAVELGAS

EVELYN NAVELGAS

JOY CANTOS

LEYTE

OCCIBER

SITIO MACALAPI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with