^

Probinsiya

20 obrero hinostage ng NPA rebels

-
CAMP AGUINALDO – Aabot sa dalawampung obrero ang iniulat na panandaliang hinostage ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) bago sinunog ang sinasakyang trak ng mga biktima sa Barangay Zelovia, Talacogon, Agusan del Sur kamakalawa ng umaga.

Naitala ang pangyayari bandang alas-10 ng umaga matapos na harangin ng mga rebelde ang sinasakyang trak ng mga biktimang trabahador ng Provident Tree Farm, Inc. (PTFI).

May ilang oras din hinostage ang mga biktima kabilang na ang chainsaw operator na si Romeo Mantong at nagpahatid ng mensahe ang mga rebelde sa may-ari ng nasabing kompanya na magbigay ng revolutionary tax.

Bago pakawalan ng mga rebelde ang 20 obrero ay sinunog ang sasakyang trak at tinangay ang dalawang chainsaw na pag-aari ng PTFI.

Kasunod nito, sinunog din ng mga rebelde ang control panel board crusher na pag-aari ni Willy Go matapos na salakayin ang construction firm sa Barangay Mangga, Tuburan, Cebu bandang alas-10:30 ng gabi. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AABOT

AGUSAN

BARANGAY MANGGA

BARANGAY ZELOVIA

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PROVIDENT TREE FARM

ROMEO MANTONG

WILLY GO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with