5 notoryus na tulak nalambat
June 18, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Limang kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na nagpapalakat ng droga ang kumpirmadong nalambat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug bust operation sa bayan ng Bayugan, Agusan del Sur kamakalawa.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Yaser Ameril, 30, ng Bayugan del Sur; Danilo Ordino, 32, ng Bacoor, Cavite; Anshre Mualam, 19, ng Davao City; Sammy Acrama, 33, ng San Salvador, Lanao del Norte at Malik Saranggani, 57, ng Davao City.
Sa isinumiteng ulat kay General Anselmo Avenido, Jr., PDEA executive director, bandang alas-6 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa Barangay Pili sa nasabing bayan.
Bago pa magsagawa ng drug bust operation ay nakatanggap na ng impormasyon ang mga operatiba ng PDEA tungkol sa modus operandi ng mga suspek.
Makaraang magtiktik ang ilang miyembro ng PDEA at naging positibo ang nakalap ng impormasyon kaya naglatag ng dragnet operation na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.
Nasamsam sa mga suspek ang 200 gramo ng shabu, tatlong cellular phone, P37,000 cash at kulay berdeng Hyundai van na may plakang MBW-175 na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang modus operandi. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest