Base sa nakalap na impormasyon ng pulisya at militar, ang planong pagdukot sa mga guro ay nabunyag matapos na patayin at pugutan ang isang high school na si Ariel Oroyo ng mga kasapi ng Sayyaf noong Biyernes sa bayan ng Lantawan.
Ayon sa intelligence report, pinamumunuan ni Sayyaf lider Hamsiraji Sali, alyas Commander Jose Ramirez, ang planong pagdukot sa mga guro at estudyante sa nasabing bayan.
Si Sali ay isa sa apat na lider ng Abu Sayyaf na nasa listahan ng pamahalaang US na wanted at may patong sa ulo na US$1 milyon, bukod pa kina Khadaffi Janjalani, Isnilon Hapilon at Jainal Sali, alyas Abu Solaiman.
Ang apat ay responsable sa mass abduction ng mga estudyante at guro kabilang na si Claretian priest na si Fr. Rhoel Gallardo noong Marso 23, 2000.
Pinalaya naman ang mga dinukot na mag-aaral at guro kapalit ng pagkain pero pinatay naman si Fr. Gallardo.
Isiniwalat din ng pulisya na karamihan sa mga guro sa liblib na barangay sa Basilan ay nakikiusap na magtalaga ng mga pulis sa kanilang pinapasukang eskuwelahan. (Ulat ni Roel D. Pareño)